salamat ate cheloy

Huni ng ibon at daloy ng alon
Nagpapaalala sa atin
Ihip ng hangin sa ating damdamin
Ay may nais ipahatid
Ang kalawakan sa katahimikan
Ay may ibig ipabatid
Lupa at langit sabay sa pag-awit
Ng luwalhati

Ating purihin, purihin
Purihin ang Dios
O purihin, purihin
Purihin ang Dios
Sa ‘ting puso at isip
Sa salmo at awit
Purihin, purihin ang Dios

Sikat ng araw tila pumupukaw
Sa atin upang manalangin
Upang ang ating sarili'y limutin
at si Hesus dakilain
Upang sa diwa at katotohanan
Ang Dios ay ating sambahin
At sa ating buhay ay maipamuhay
Kanyang bilin

- Gary Granada

No comments: